Add parallel Print Page Options

29 Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inakala ng ilan na ang sinabi sa kaniya ni Jesus ay bumili siya ng mga kakailanganin para sa kapistahan. O kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa mga dukha. 30 Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na.

Ipinagpauna ni Jesus na Ipagkakaila Siya ni Pedro

31 Kaya nga, pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya.

Read full chapter